ALBURO ALBURO AND ASSOCIATES LAW OFFICES ALBURO ALBURO AND ASSOCIATES LAW OFFICES

contact

MON-SAT 8:30AM-5:30PM

June 1, 2022

Proven ways in debt collection

Image Source

Published — October 7, 2017

The following post does not create a lawyer-client relationship between Alburo Alburo and Associates Law Offices (or any of its lawyers) and the reader. It is still best for you to engage the services of your own lawyer to address your legal concerns, if any.

Also, the matters contained in the following were written in accordance with the law, rules, and jurisprudence prevailing at the time of writing and posting, and do not include any future developments on the subject matter under discussion.

Related Topic: Repossession of Mortgaged Automobiles

No business can survive without sufficient funds, as every action done in its operations generally have corresponding costs attached to it. When it comes to finances, however, one of the most common challenges faced by many businesses is the difficulty of collecting from their debtors the amounts owed to them. So, how is debt collection being carried out?

Pressuring debtors to obtain payment

Pressure may be employed, but only through legitimate means, such as filing of legal action, or availment of other legal remedies to collect the amount due. Resort to harassment in collecting from the debtor should be avoided, as this may enable the debtor to turn the table against the creditor who, because of his bullying, would just expose himself to civil liability for damages, and even criminal liability for coercion.

Some examples of such bullying would be by calling debtors during very inconvenient hours (e.g. between 10:00 PM and 6:00 AM); employment of threats; misrepresenting oneself as lawyers, police officers, or other government authorities to intimidate the debtor; making false statements about an impending punishment in connection with a pending case where no case is actually pending; contacting the debtor’s friends, family, neighbors, and workmates, and discussing with them the details of the debtor’s indebtedness; and threatening to deposit post-dated checks prematurely.

Legal remedies in collecting unpaid debt

Creditors who are having problems collecting from their debtors may very well resort to the following legal remedies:

  1. To file an action for collection of sum of money before the court.
  2. In case the debt is secured by a mortgage, the creditor may choose either to file an ordinary action for collection, or he may have the mortgage foreclosed.
  3. In case there is a check issued, which bounced, the offended party may file a complaint for violation of the Anti-Bouncing Checks Law. This is a criminal action, and therefore imprisonment is among the possible consequences upon conviction.

Civil action for collection of sum of money

If the creditor opts to file an action for collection of sum of money, all that the creditor needs to establish are the existence of a transaction for which the debtor became indebted (which may be a loan, or any dealings that create obligations such as sale concerning unpaid purchase price, or lease concerning rentals), the amount of money owed by the debtor, the fact that the obligation is already due and demandable, and that a demand had been made by the creditor upon the debtor.

Please take note, though, that if the debt does not exceed P200,000.00 (excluding damages and interests), the creditor may file his claim before the Small Claims Court. Since the amount of the claim is relatively small and the relief prayed for is solely for payment or reimbursement of sum of money, it is the court’s policy in small claims proceedings not to keep these cases from dragging for long periods before finally being decided. Since the proceedings must be speedy, inexpensive, and informal, the Small Claims Procedure was made much more simple.

Foreclosure of mortgage

Foreclosure is a necessary consequence of non-payment of mortgage indebtedness. In a real estate mortgage, when the principal obligation is not paid when due, the mortgagee-creditor has the right to foreclose the mortgage and to have the property seized and sold for purposes of applying the proceeds to the payment of the obligation [See: G.R. No. 178367].

Foreclosure of mortgage may be done through a complaint filed in court (judicial foreclosure). But the creditor, if authorized by the debtor in writing, may foreclose the mortgage constituted on the property without going to court (extrajudicial foreclosure). By virtue of his granted authority, the creditor may take possession of the mortgaged property, and sell it in a public auction, subject to the requirement that notice of the sale has to be given by posting the same for not less than 20 days in at least three public places in the city or municipality where the property is situated [See: Sec. 2, Act No. 3135]. If no such authority to sell was granted to the creditor, then he has no other alternative but to resort to judicial foreclosure.

If the proceeds of the sale are insufficient to cover the entire amount of the debt in an extrajudicial foreclosure of mortgage, the creditor is entitled to claim the deficiency from the debtor [See: G.R. No. 175816].

Criminal action for violation of Anti-Bouncing Checks Law

The Anti-Bouncing Checks Law (B.P. Blg. 22) was passed for the specific purpose of addressing the problem of continued issuance and circulation of unfunded checks. B.P. Blg. 22 considers the mere act of issuing an unfunded check as a criminal offense [See: G.R. No. 191404].

Violation of B.P. Blg. 22 shall be punished by imprisonment for 30 days to 1 year, or by a fine of double the amount of the check, but in no case it shall exceed P200,000.00. Both such fine and imprisonment may, however, be imposed at the discretion of the court.

With such remedies that every creditor may avail of against the defaulting debtor, all such creditor has to do is to choose what he believes is most effective and convenient based on the circumstances surrounding his credit. Always bear in mind that unless creditors take action, many debtors will simply ignore their obligations. Precious cash need not be unnecessarily sacrificed, especially by business entities, simply because of difficulty in collecting debts. This holds very true when the money to be collected could be used on other business activities that would bring more money in the pocket.


Alburo Alburo and Associates Law Offices specializes in business law and labor law consulting. For inquiries regarding credit and debt collection laws, you may reach us at info@alburolaw.com, or dial us at (02)7745-4391/0917-5772207.

All rights reserved.

314 thoughts on “Proven ways in debt collection

  • Good Day Atty Arjay,
    Meron po akong utang sa sis and bro in laws ko binabayaran ko ng 10k monthly yung lang kasi kaya kong bayaran, nirereceive naman nila pero napagdesisyunan pa rin nila na pa-sampahan ako ng case, gusto kasi nila mabayaran and matapos ko agad kaya lang hindi ko kaya. Harsh words, pagmumura natatanggap ko everytime na gusto maningil pero never ko nilabanan since may balances ako sa kanila. Ano po kaya ang maikakasao sakin kahit pinipilit ko naman makahulog monthly yun nga lang hindi ko kaya matapos kagad dun sa gusto nilang pinaka due date. Pwede po ba ako lumaban din if ever matuloy po ang pagkaso po nila sakin?
    Salamat po.

    • Dear dani,

      Based sa narration mo, collection case lang ang pwede nilang ikaso laban sayo (or small claims case kung hindi lalagpas ng P200,000.00 ang kabuuan ng gusto nilang singilin mula sayo). Kung ituloy man nila ang pagsasampa ng kaso laban sayo, pwede ka mag-file ng counter-claim mo against them for damages dahil sa ill-treatment nila sayo, para kahit paano may pang-offset ka sa amount ng claim nila kung mapagbibigyan ka ng korte.

      -Atty. Arjay

      • Good day atty. Ask ko lng po kasi totoo lng po di ako mapakali kasi po may utang po ako sa robocSh na 6000 eh hindi po ako nakapagbayad mga 3 months na po kaya lng po umabot na po ng 30+k yung sinisingil sa akin eh tpos binibigyan po ako ng palugit na 24hrs. To settle they keep on calling po eh natatakot po akong sagutin kaya di kl po sinasagot tpos ngayon po they text me na t
        They may schedule occular visit in my old and new officess eh di ko po alam gagawin ko willing nmn po akong magbayad khit yung kahit yung 11k na unang sinisingil sa akin wag lng po yung 3o+k kasi 6000 lng nmn po yung hiniram ko anu po bang dapat kong gawin? Salamat po

  • Hello po..may delinquent loan po ako sa isang bank…ung outstanding loan balance ko ay almost 15k. 12 years napo ako di nakapagbayad due to financial constraints. Now, I would like to settle it na po sana to clear my bad credit history. I went to that bank and talk to the branch manager. The manager told me that its their account officer who handle such case. Nag email po sya to inform them of my willingness to pay my loan. Then someone called and told me po that sya ung account officer from that bank. I talked to the account officer and told her of my situation and I am willing to settle my oustanding loan balance. I also requested na ma waived po lahat ng interest, penalties and charges due to financial constraint. Sabi nya po, the 15k ay almost 84k na, if I will settle daw po, they can lower it down to 54k and payable in 18months, pero ung first month daw po ay 10k and 2,500 every month there after. Parang ang laki parin. I asked her if I can pay it in full, sabi po nya, she can lower it down to 34k if it will be paid in full. Nakiusap po ako na babaan pa kasi wala na po ako pambayad. tumawad pa po ako hanggang 25k to 30k hindi po sya pumayag. She gave me one week to decide po if I will settle it in full or installment. Ano po pwede kong gawin sir?..thanks po..

    • Dear Maycee,

      I believe that your problem has something to do with negotiating your obligation, and not on the legalities of your loan. Anyway, since konti na lang naman ang difference ng P34,000.00 one-time payment na offer sayo ng banko at ng P30,000.00 na maximum amount ng counter-offer mo, baka naman magawan mo pa ng paraan yung difference na P4,000.00 within the 1-week period na binigay sayo. That’s just a suggestion.

      Of course it is still better for you kung makakapag-haggle ka pa na mas mapababa pa ang amount ng obligation mo, but always bear in mind that banks could sometimes be inflexible when it comes to lowering a debtor’s obligation, dahil posibleng marami pang prosesong pagdaanan ang pagpapa-approve ng mas mababang amount ng utang base sa kanilang company policy at mga protocols.

      Continue negotiating hanggang kaya mo pa, but I suggest gawan mo na lang ng paraan yung P4,000.00 difference ng offer ng banko at ng counter-offer mo, kasi relatively konti na lang naman ang difference nyan. Maximize the 1-week period given to you.

      -Atty. Arjay

  • Good eve po

    May loan po ako sa Moola na 4k pero bayad ko na po ng 5200..last sept pa po…

    Payment Confirmation
    Congratulations! This is to confirm that your payment has been completed.

    Reference No X9XZCJT8
    Channel 7-Eleven
    Merchant Doctor Cash
    Amount PHP 5,200.00
    Merchant TxnId DR153829-1709212130
    Status SUCCESS
    Remarks [000] 711 Payment Auto Validated on 9/21/2017 9:30:16 PM at Branch 711_11318 #X9XZCJT8

    ngaun po inopen ko po email ko may sinend po skn

    All our efforts to collect your UNPAID obligation with our client, MOOLA LENDING CORP. DOCTOR CASH, have been unsuccessful. We have delayed legal proceedings due to the settlement schedule you have committed. Please be advised that your failure to fulfill your commitment has compelled us to proceed with the necessary legal action.Please call our legal officer Ms. JAM GARCIA at 09771251151 for payment arrangement. Thank you.

    possible po kayang may nag apply under my name kc tinawagan ko cla 10k daw po ang loan ko… bago po kasi mag September my humablot ng gamit ko ..at nsa cp ko lahat ng info ko … regarding atm …dko nmn po nireport ksi wala nmn laman un..ginamit ko lng ung account na un for my maternity benefit…

    may laban po ba ako dun …kasi nd ko nmn tlga inapply ung loan na ganun kalaki… 😥😥😥

    • Dear Anna Marie Abella,

      Malakas na posibilidad na may gumamit ng identity mo, kaya ang lesson: i-report mo na agad sa banko at sa mga creditors mo na ninakaw ang mga gamit mo na naglalan ng mga sensitive personal information tungkol sayo, kung hindi ka pa nakakapag-report. Pwede kang irequire na magsubmit ng affidavit of loss para ma-dokumentohan ang mga pangyayari kung paano nawala ang mga gamit mo. Magreset ka din ng mga passwords mo, at kumuha ka na din ng replacement sa mga IDs, ATMs and other cards mong natangay.

      Iprotesta mo na lang sa creditor mo yung sinisingil na amount sayo. Ipaalam mo na nanakawan ka at hindi talaga ikaw ang nag-apply ng loan sa kanila. Maganda kung magkakapagbigay ka din ng mga affidavit mo pati yung police blotter nung insidente, patunay na nireport mo na sya dati pa at hindi ito isang “afterthought” lamang matapos kang singilin ng creditor sa pagkakautang na nakapangalan sayo. Manghingi ka din ng kopya ng loan application form mula sa creditor mo, at gawin mo ang lahat upang patunayan at kumbinsihin ang creditor mo na hindi mo pirma ang nandoon sa form. Makakatulong kung magdadala ka ng mga references ng pirma mo tulad ng mga IDs mo at mga official documents na pirmado mo.

      -Atty. Arjay

  • good day po…

    nagkaroon po ako ng utang sa Home credit ng 50000 pesos…nabayaran ko po sya ng mga 8months pero dahil sa ako ang bread winner and ako nagbabayad ng upa namin nadelay po ako ng payment ng 3months…naendorse na po yung account ko sa collection department and gusto nila ako magbayad ng 93870 agad agad ….tinanong ko sya kung para saan yun ang sabi nya late payments and interest daw po…pero sabi ko di ko po kaya bayaran yun…so sabi nung kolektor pwede daw ako magbayad nung 4months na di ko nabayaran…tapos nagbago isip nya at gusto nya magbayad ako ng 5k muna at ipadala ko na lang daw sa kanya…di pa po ako nagcommit kasi alam kong wala apa kong ibabayad…tumawag sya skain pero parang di nya ako marinig…tapos nakareceive ako ng text nya na nagtatago daw ako pero nagrereply naman po ako sa mga text nya…hanggang sa pumunta po sya samin pero wala ako dun at nagtaas ng boses sa Nanay at Kuya ko…recorded po yung mga conversation nila…nung kinagabihan tumawag po sya sakin pero di daw nya ako marinig…at kung ano ano po pinagsasabi nya…at pinagmumura ako…pati pos a text kung ano ano sinasabi nya…

    pwede ko po ba irekalamo yung kolektor dahil sa paninirang puri at pagmumura nya skain?recorded po yung mga text at pagmumura nya sakin…

    Salamat po…sana makasagot po kayo…

    • Dear anony123,

      Pwede mo sya ireklamo ng slander or oral defamation, which is a criminal offense. Pero wag mo gamitin yung voice recording as evidence kung hindi sya nagbigay ng consent sa recording ng conversation, kasi pwede sya magsampa ng kontra-reklamo laban sayo para sa violation ng Anti-Wiretapping Law, which is also a criminal offense.

      -Atty. Arjay

    • anony123 , hi pwede malaman kun anu na ngyari ngau, di rin kasi ako nkkpag bayd sa ngayun, parehas tyo ng utang 50,000 din sakin.
      Eto pala email. ko. sa repaly.
      richardpervera@gmail.com

  • Hello!

    Tanong ko lang po if it’s within rights for a legal firm that was secured by a bank to contact family members in order to settle debt. Iba ibang means po – via email and social media. Is this legal po. Thank you!

    • Dear Suzie,

      Though contacting the debtor’s family members, by itself, it’s not prohibited by law, doing this may cause moral injury to the debtor especially when he has a reputation to protect. The creditor who contacts other people to discuss the debtor’s obligation could be held liable for damages. This can be made applicable even to the creditor’s representatives, such as firms engaged by the debtor to collect the debt.

      -Atty. Arjay

  • Good morning atty! Ganun din po sakin… Aminado po akong nangutang sa dr cash/moolalend ng P3000 yung approved amount. Then may 900 na interest. So total is 3900.. Pero yung nawithdraw ko lang is 2100. So ang laki2 po ng deperensya.. Kaya hindi ko na po nabayaran gawa po ng nagkanda gipit gipit kmi at ganun lng pong amount yung natanggap ko. Tinatawagan ko sila that time di na sila sumasagot. So inisip ko nlako ako kaya sabi ko di ko nalang byaran. Kahapon my yext message ako na natanggap saying,

    CAMP. CRAME WARRANT ADVISORY
    MARIE CLAUDINE SUALNG ESTUYA
    Expect our official common to arrest you (BENCH WARRANT) At exactly 11am tommorow together with sheriff to issue write of preliminary attachment to check your property. Please be inforrmed for your voluntary surrender to avoid commotion at your place. PSI. ENRICO ROSALES Please do call at this no.(02) 2256000/09182930459

    Yan po. Tinawagan ko yung mga judge at attys na sinabi ng enrico rosales na yan pero yung hinihingi na settlement amount from 2100 is P95,000 pesos!!! How come po? Tma bo ba gingawa nila?? Puntahan daw nila address ko at i hohold nila properties ko at ipapadampot sa pnp once na napirmahan ng judge. Is it possible? Thanks!

    • Dear Claudine,

      Tinatakot ka lang, though I would still advise you na bayaran mo kung magkano ang inutang mo. Regarding sa amount na sinisingil sayo (which is P95,000), hanapan mo ng breakdown yung kausap mo. Dapat makapag-bigay sya sayo ng breakdown kung totoong lumaki ng ganyan ang utang mo. Kung hindi sila makapag-bigay ng breakdown, malamang mag-resort nanaman sila sa pananankot lang, at hindi ka dapat kumagat.

      Makakapag-issue lang ng warrant of arrest and writ of preliminary attachment ang judge kung may case na naka-file laban sayo. Kung walang case, walang pwedeng mang-aresto sayo, at walang pwedeng mag-hold ng properties mo. Tanungin mo yung mga kausap mo kung saan sila nag-file ng case at kung ano ang case number. Kung wala silang maibigay na info, malamang walang case na naka-file. Kung meron silang binigay na info, use it to verify doon mismo sa korte at hindi kung kani-kanino lang, para malaman mo kung totoo bang may naka-file na case o wala.

      -Atty. Arjay

    • ganyan din po yung case ng asawa ko. Sa takot ko po ay nagbayad ako ng unang settlement amount. Nung nabayadan ko na sa binigay nilang reference no. hindi ko na sila matawagan,,yung police at yung attorney..

  • Good day Attorney
    Hingi po ako ng legal advise … May pinakilala po sakin friend ko na gusto magpa lending sa bpo company kung saan ako nag wowork so in short kinuha po niya ako as loan agent i get 2% commission so nagstart kami mag pa lending nag finance xa ng checking acct for me kasi gusto niya everytime na magrelease ng loan sa mga borrower mag iissue ako ng post dated check sknya for payments eveey collection date so maayos naman po ang business at collection… Last jan 8 ung account po namin sa bpo company na pinapasukan ko ay nag layoff ng employees at isa ako sa na layoff without prior notice pati oo lahat ng borrower po nmin na may utang ksama sa na layoff so in short wla po kami magiging collection or kulang kulang na po amount ng payment…
    Ngayon po gusto ng financer na iclose ko daw po checking account ko at mag reopen ng bagong accoubt tapos ipapasok daw po niya mga cheke na naissue ko dun sa ivlose na account dahil may partner daw po siya na kapatid niya na gusto mag habol… Ang akin lang may mga ma kokolekta pa po na payment so ano po dapat ko gawin? And ano po mga consequences nitong napasok ko… Pwede ko po ba gawing proof ung mga borrowers report as proof na hindi ako ang may utang sknya ng 700k na ito ay pinautang sa ibat ibang tao… Ang alam ko po pwede nila sabihin estafa… Ano po pwede ko gawin iclose ko po ba checking account ko susubdin ko po ba siya?

    Regards and thank you po sa time

    • Dear Jane,

      Since may makokolekta ka pa, wag mo munang isara yung checking account mo, para may chance ka pang mapondohan ang mga checks na na-issue mo na.

      Saka wag na wag kang papayag na ipa-encash ng financier yung mga checks na inissue mo pag sarado na ang account, dahil pwede kang tamaan ng violation ng Anti-Bouncing Checks Law, which is criminal in nature (may kulong ito).

      Pwede kang kasuhan ng violation ng Anti-Bouncing Checks Law kapag ikaw ay nag-issue ng check, at ang nasabing check ay: (1) walang sapat na pondo by the time na ito ay ipa-encash or ideposit, or (2) sarado na ang account by the time na ito at ipa-encash or ideposit. Hindi mahalaga kung ikaw ba mismo ang may utang o hindi. Basta ikaw ang nag-issue ng tumalbog na check, pwede kang makasuhan ng violation of Anti-Bouncing Checks Law.

      Hindi ko kaya sagutin kung saan ka kukuha ng pondo para sa account mo, pero kung isasara mo ang account, lalong hindi mo ito mapopondohan. Pero kung talagang hindi mo mapopondohan ng sapat ang account, pinaka-mabuti kung makukumbinsi mo yung financier na isauli na lang sayo yung mga checks na inissue mo para lang makasigurado ka na hindi ito maipapa-encash or maidedeposit.

      -Atty. Arjay

      • Gud pm po atty. Need ko po ng advice.

        I borrowed 11k to a lender with 8% int.per month,evry month naman po ay nagbabayad ako ng int. Na 8% for almost 3 yrs na po.Nangungulekta po ng int.kahit aning oras at araw kahit 6:00 ng umaga or 8pm ng gabi..ok lng po yun..usa loob ng 3 yrs po..nakakapagbigay naman ng downpaymnt sa capital,hanggang sa ang 11k ay naging 8k nlng.Hanggang sa last yr po.meron akong 5 months na backlog sa int.pero after nun..nagbayad ulit ako ng int. At yung months na d ko nabayaran ay binabayaran ko ng paunti unti.Hanggang sept 2017, nagkasundo po kami orally na ibabalik ko na ng buo yung 8k na bal.tapos d na ako magbabayad ng backlog na int.pumayag naman po xa..pero after a week po bumalik po xa at sinabing kainlangan magbayad ako ng 10k, kasama na int.tapos yung kulng na ing bayaran ko daw monthly..d na po ako punayag kasi po nagkasudo napo kami.borrower was able to pay the capital. (Orally lng po yung kasunduan namin)Sept po ako ng nagpromise pero dec ko na po nabuo yung 8k..at the tym po na ibabayad ko na sa kanya.d napo nya tinanggap kasi kailangan ko daw bayaran ang 10k ng buo kasama int tapos babayaran ko pa yung sept to dec na int. paunti unti montly hanggang ma paid up.pwd po ba akong d pumayag? 3 yrs na po ako nagbabayad ng 8% int per month.

        • Dear mommylhyn,

          Pwede kang hindi pumayag. Ayon sa batas, maaari lang makolektahan ng interest ang pagkakautang kapag ang kasunduan ukol dito ay nasusulat. Dahil sa puro verbal lang naman ang usapan ninyo, hindi due ang payment ng interest sa utang mo, kaya pwede kang hindi pumayag na wag bayaran ang interest. Kakampi mo ang batas sa pagkakataong ito.

          Ganun pa man, kailangan mo parin bayaran ang natitirang principal dahil inutang mo yun mula sa kanya. At yung mga interest na nabayaran mo na nang kusang loob, hindi mo na yun pwedeng makuha ulit.

          Kung ayaw nyang tanggapin ang pagbabayad mo ng kabuuan ng natitirang principal, hindi mo na problema yon. Basta siguraduhin mo lang na may testigo ka na ikaw ay nag-abot sa kanya ng iyong buong kabayaran ngunit sya lang ang ayaw tumanggap, at papirmahin mo ng affidavit yung testigo mo, para at least madokumentohan mo man lang yung pagbabayad mo at pagtanggi nyang tumanggap. Kung may dokumento ka, meron kang panghahawakan na ginawa mo na kung ano ang kailangan mong gawin. At ang hindi nya pagtanggap sa bayad mo, kawalan nya yun.

          -Atty. Arjay

  • hello Atty,

    good morning!
    may utang po ang asawa ko sa moola last sept. 2k po yung approved amount pero 1800 lang po yung nareceive nya. Hindi po nya nabayaran yung naloan nya dahil natanggal sya sa trabaho at lumaki na ng lumaki yung interest ng niloan nya. Kahapo po, may nareceive akong text message galing sa Camp Crame:

    CAMP. CRAME
    (my husband’s name )

    Expect our official common to arrest you ( BENCH WARRANT ) at exactly 11am tomorrow together with sheriff to issue write of preliminary attachment to check your property. Pls be informed for your voluntary surrender to avoid commotion at your place. PSI MARDIE GONZALES pls call at this no. 02 2256000

    yan po yung exact text na nareceive ko dahil share po kami ng asawa ko sa cp na gingamit. sa takot ko po ay nagundertime ako sa trabaho kahapon para masabihan ang asawa ko na nasa bahay at nagaalaga sa anak namin. tinawagan ko po yung no. at may nakausap ako na police daw po from Crame at meron na nga daw pong order sa kanila para iserve yung Bench Warrant, sa takot po ay tinanong ko sya ano po pwedeng way para hindi madampot ang asawa ko at ibinigay nila ang number ng Atty. na nagfile daw po ng ciomplaint ( Atty. Alexander Yap ), nakausap ko po si Atty. at ang una po nyang hinihingi ay Php 54,000.. naiyak po ako lalo dahil yung Php1,800 na napautang sa asawa ko ay umabot ng ganung kalaki. Hanggang sa nakiusap na po ako at ayaw ko nga po na madampot ang asawa ko. Umabot po sa Php 6,000 na lang yung hinihingi nya. Dahil nga po sa takot kung madakip ang asawa ko, naghanap po ako ng pwede hiraman at nagbayad po ako ng Php4,000 sa reference number na binigay nila. Tama po bang nagpatakot ako sa kanila at nagbayad ako ng labis pa sa pinahiram nila.

    Salamat po..

    • Dear ghaile,

      Tama lang naman na bayaran ang pagkakautang, pero dapat yung hustong amount lang.

      Kung ikaw ay magve-verify kung mayroon na nga talagang nakasampang kaso laban sa asawa mo, wag ka magtanong sa mga contact number na sila-sila lang din ang nagbigay, dahil malamang ay puro taga-Moola lang din ang nakausap mo. Kung totoong may complaint na nakasampa laban sayo, doon ka mismo sa korte magtanong.

      Tawagan mo ulit yung sinasabi nilang lawyer na nag-file daw ng complaint laban sa asawa mo, at tanungin mo sya kung saan korte naka-file yung complaint at kung anong case number. Kung wala siyang maibigay sayo, malamang wala talagang naka-file na kaso. Kung may binigay na info sayo, tawagan mo yung mismong korte (ikaw ang gumawa ng paraan para hanapin yung contact number ng korte, at wag mo tatawagan yung mga number na ibinibigay lang sayo ng mga nakakausap mo). Doon ka sa court magtanong, at sabihin mo yung case number for the court’s reference.

      -Atty. Arjay

      • Good day po atty.
        Ganyan din po ang issue ko sa ngayon. Nakahiram po ako sa moola ng 3k pero 2,700 lang po natanggap ko dahil may service charge nga daw po. Hindi ko pa po na settle dahil sa financial problem kaya po kahapon mga 4:20 ng hapon nakatanggap ako ng text na “magandang araw. Otw napo mga tauhan ko sa address. Maaari pong sumuko ng bolontaryo para maiwasan ang komosyon” nagpakilala po siyang pulis kasi tinawagan ko po siya at tinanung ko po bakit ako dadamputin ang sabi tawagan ko daw po ang client nya at galit daw po. Binigay yung numbers na 09391511153 at 09454906428 Atty. Niel Macapagal.
        kaya timawagan ko po, sabi sinampahan daw po ako ng apat na kaso at dinedemand na magbayad ako ng 7,500 kung hindi isusubmit daw niya yung case against sakin na estafa breach of contract etc. Sagot ko naman po “atty pwede po bang hanggang bukas wala pa din nman po akong pera.” Sabi niya “magbayad kna hindi ganyan. May pinag aralan ka nman siguro. Magkano pwede mo bayaran para isasara ko na tong case sayo.” Sagot ko po atty 3k po pero hindi pa ngaun” sagot niya po naman “o sige sa 7eleven ka lang magbayad ha” sagot ko “wala pong 7eleven dito atty., cebuana ,ml, palawan at western lang po meron”
        atty niel “bkit bundok ba yang sainyo? Sige gawin mo ng 3,800 ang bayaran mo ngaun sa cebuana para matanggal na name mo. Hanggang 5pm lang dapat magbayad kna.”

        Ano po dapat ko gawin atty.

        • Dear kei,

          Wag mong pansinin ang panghaharass sayo, kasi hindi totoong maipapadampot ka nila dahil lang sa utang mong hindi mo nabayaran. At hindi rin nila aabalahin ang sarili nilang gumastos at maglaan ng panahon sa pagsasampa ng kaso laban sayo para lang kumolekta ng tatlong libong piso na pagkakautang.

          Ganun pa man, di ko sinasabing wag mo bayaran ang utang mo. Ang sinasabi ko lang, wag mong pansinin ang panghaharass sayo.

          -Atty. Arjay

  • Hi atty, yung father ko po is umutang po ng cash loan sa home credit so bale po anlaki super ng interest which is okay lang naman ksi pumirma naman po sa kasunduan pero nito lang po eh nadedelay kami ng bayad ksi may financial prob po pero willing naman po kami bayaran based sa nakasunduan at wala naman pong balak takasan. Pero itong field collector eh sobra mangharass maningil tinatakot pa po ako na dadamputin daw po father ko and lahat po ng gamit namin sa bahay kukunin then yung mga gamit raw po eh ibabawas sa utang. sinasabi pa po nya an malaki magagastos namin kung umabot sa korte dahil magbabayad pa daw ng atty.Wala po akong idea sa kung ano mangyayari pero nakakatakot po talaga. Nakikiusap naman po ako babayaran namin pero sobrang kulit gusto nya sana bayaran na daw po bukas ang 100k 🙁

    • Dear Yheng,

      Hindi pwedeng ipadampot yung father mo dahil sa unpaid cash loan nya. Una, walang kulong ang hindi pagkakabayad ng utang. Pangalawa, walang criminal case na nakasampa laban sa father mo, kaya wala din basehan ipadampot sya. Gayun pa man, pwede parin sya mademanda ng civil case for collection, pero walang kulong yun. Sisingilin lang ng korte ang father mo (uutusan sya magbayad), at pwedeng mahatak ang mga gamit na pag-aari nya, pero maaari lang itong mangyari pag natapos na ang kaso at napatunayan nang talagang may pagkakautang sya na hindi nya nabayaran. Hanggat hindi tapos ang kaso sa korte (lalo na pag walang kaso sa korte), sinumang kukuha ng gamit nyo ng walang pahintulot ay sya pang maaaring makasuhan ng salang pagnanakaw.

      -Atty. Arjay

    • @Yheng, hi gusto ko lng malaman anu nangyari ngaun. parehas kasi tayo sitwasyon. Magulo kasi sa isip ko.

    • Hi Yheng, pwede mo ba ko message kun anu n nangyari, kasi ganyan din problema ko. sa home credit. eto pala email ko. richardpervera@gmail.com tnx.

  • may utang po ako sa moola lending 4k po inutang k bgay po nila saken ay 3600 lng hnd k pa po kaya magbayad ng 5600 kaya nagrenew ako kada buwan hanggang sa di n kinaya maagbayad dahil sa tumataas na interest at nakakareceived nko ng harassment call and text.. may possible po ba na mhirapan nko kumuha ng nbi?

    • Dear kate,

      Hindi makakaapekto ang pagkakautang mo sa pagkuha mo ng NBI clearance. Walang involved na criminal case kahit sampahan ka man ng demanda for collection of sum of money. Saka base sa narration mo, mukang wala din namang nakasampang demanda sayo, so hindi mo kailangan alalahanin ang pagkuha mo ng NBI clearance.

      -Atty. Arjay

      • Same situation po. May utang po ako sa Moola last year month of sept amounting 2700 pero ang binayaran ko po is 3.9k kasama napo yung interest and such. Pero kahapon po ay nakatanggap ako ng text from unknown number saying “METROPOLITAN TRIAL COURT
        Mr/Ms. JOY
        Expect our official common to issue your COURT ORDER(bench warrant) exactly at 3pm,FEBRUARY 17,2018 Together with Sheriff team to issue Writ of Preliminary Attachment to garnish your real and personal property at —-LUZON AVE QUEZON CITY
        Please be inform for your voluntary surrender to avoid commodation at your area. ATTY. JOSE DELA PAZ 515 4134/09558667489
        MTC PASIG”

        sa sobrang tagal na po, wala na po sakin yung reference ko or proof of payment. Is it true po ba na they can go directly to my parents house at i-hold ang property ng parents ko agad agad even nakabayad po ako? I’ve read some reviews from other internet sites na binabago nila yung contact information mo para wala silang mapakitang proof of payment mo sa end nila. At ano po pwede kong gawin dito since bayad na po ako?

        • Dear Joy Joy,

          Don’t mind the text message. Hindi ganyan ang totoong mga courts natin sa pag-notify about a case, lalo na kung service na ng warrant ang pinag-uusapan. Kung walang case, hindi pwede magkaroon ng arrest warrant saka writ of preliminary attachment. Also, search for the number of the Metropolitan Trial Court of Pasig (wag mo tatawagan yung number na binigay lang sayo nung nagtext sayo), at pag nahanap mo na, saka mo tawagan yung court at itanong mo na lahat ng gusto mong malaman. Malakas ang kutob kong wala kang pending case.

          Regarding proof of payment, baguhin man nila yung contact details mo o hindi, wag kang mag-expect na ilalabas nila yun kung may proof of payment ka man sa end nila. Ikaw ang maglalabas nyan, kaya lesson learned: dapat na ingatan mo ang kahit anong mga dokumentong magpapakita ng discharge mo mula sa obligasyon. Kung may mga testigo kang nakapagbayad ka na ng utang mo, pagawin mo sila ng affidavit. Hindi yan substitute sa proof of payment mo, pero kung wala ka na talagang ma-retrieve, ganun na lang ang gawin mo.

          -Atty. Arjay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

17 Shares
Share17
Tweet
Share